0

LEGAZPI CITY - Patuloy na dinadagsa ng mga drug personalities ang mga Barangay Anti-Drug Abuse Council sa probinsya ng Albay.


Sa panayam kay Police Superintendent Romel Dela Rama, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office, sinabi nito na hindi na kinakaya ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council officers ang pag-accommodate sa mga drug surrenderees na sumusuko sa kanila.

Pinasalamat rin ng nasabing opisyal ang mga barangay officials sa buong Albay dahil sa patuloy na pakikipagtulungan nito sa kampanya ng PNP kontra sa iligal na droga.

Sa ngayon, 899 drug personalities na ang sumuko sa nasabing probinsya at patuloy pang madadagdagan sa mga susunod na oras ayon sa Albay PPO.

Post a Comment

 
Top