0


BACOLOD CITY – Kumakalat ngayon ang isang mensahe sa lungsod ng Bacolod na humihingi nang tulong kay incoming President Rodrigo Duterte na bigyang solusyon ang problema sa droga sa Bacolod City at lalawigan ng Negros Occidental.

Ang grupo ay nagpapakilala na Bacolo-Negros Parents Association ng Kabataan na biktima ng droga.

Nakalagay dito ang 16 na pangalan ng mga pulis na protector diumano ng illegal drugs operations.

Batay sa listahan, ang mga sangkot ay kinabibilangan ng isang superintendent, apat chief inspectors, dalawang senior inspectors, dalawang SPO4, dalawang PO3 at limang PO2.

Isiniwalat nang grupo na ang mga pulis ay may na link umano sa isang malaking drug lord na may code name na “Berya.”

Ang naturang drug lord ay nakatira sa isang malaking subdivision sa lungsod ng Talisay, Negros Occidental.

Hindi pa naman makumpirma ang nasabing alegasyon.

Inaaabangan din ang magiging paliwanag ng mga idinadawit na opisyal.

Source: BBR

Post a Comment

 
Top